Sunday, June 21, 2015

Duterte: Bagong Pag-asa?

Kumusta mga kaibigan! Muli po kaming nagbabalik dahil kami'y napapagod na sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ng bawat tao. Ngayon at medyo nanumbalik ang aming gana sa pagsusulat, talakayin natin ang isa sa mga nagiging popular na pinag-uusapan ng bawait Filipino.

http://www.pinoy-ofw.com/news/wp-content/uploads/2014/10/d4.jpg
Si Duterte nga ba ang nararapat na sumunod kay PNoy para sa pwesto ng Presidente? Kung ating titingnan, ang matuwid na daan ng kasalukuyang pangulo ay mayroong mga naidulot na kabutihan. Subalit meron din mga nakakalungkot na mga pangyayari patungo sa daang matuwid. Kung tumakbo at sakaling manalo kaya si Duterte ay mas magiging tuwid pa ang daan? Nais namin malaman ang mga nasa kaisipan ng mga bawat Filipino.

Ang Aming Palagay Walang duda na may mga plano na si Duterte kung sakali siya ay maihalal na presidente. Hindi din siya natatakot na ipaalam ito sa kahit na sino dahil mas ikakabuti kesa ikakasama nga naman ng ating bayan ang kanyang mga gustong mangyari.

Iboboto Niyo Ba Siya? Kayo mga kaibigan, iboboto niyo ba si Duterte?

Saturday, May 16, 2015

Ang Pagbabalik!

Mga katoto! Kami po ay muling magbabalik upang magbigay sa inyo ng mga opinyon, katuwaan atbp. bagay na Totoong Filipino! Sana po'y suportahan ninyo kaming muli.

Maring salamat at Mabuhay ang mga Filipino!


Sunday, September 15, 2013

Kami Po Ay Lumipat Na!

Sa misyon na kayo ay aming mabigyan ng mas magandang serbisyo, ang Filipinong totoo ay mayroon nang bagong website. I-click nyo lang po ang link sa baba para tumuloy.

Maraming salamat sa pagtangkilik sa Filipinong Totoo!

Sunday, July 28, 2013

Katotohanan: Napakahirap ng may Trabaho

Magandang araw sa inyo. Heto na naman ako at marahil ay aakalain nyo na mangangako na naman ako ng mga bagong artikulo na aking isusulat sa kadahilanan na yun lang naman talaga ang aking mga nai-publish sa mga nakaraang araw.

Subalit ngayon, aaminin ko na napabayaan ko na ang blog na ito sa kadahilanan na ako'y nagta-trabaho upang kumita ng pera. Hindi madaling bagay ang magtrabaho, nagkakaroon ka ng routine sa buong linggo at ang pahinga mo lang ay sa Sabado at Linggo (para sa akin, Linggo at Lunes). Nakaka-stress ito at dahil dito, ang mga ibang bagay na dapat kong tuonan ng pansin ay nakakalimutan ko.

Katulad na lang nitong blog na ito. Madami dapat akong artikulo na ipupublish ngunit ang priyoridad ko ay ang aking trabaho. Kailangan kong galingan para hindi ako matanggal.

Sa ngayon, susubukan kong mag-publish ng isang artikulo bawat linggo. Yun ang plano, at sa suporta at tulong ninyo, sa tingin ko ay maisasakatuparan ko ito.

Ang inyong katoto,
Semi

Sunday, January 27, 2013

Ang Filipinong Totoo ay may Twitter na!

Sa mga minamahal kong katoto, meron na pong Twitter ang Filipinong totoo. Marahil ay i-follow niyo kung may twitter kayo at makibaka sa pagsulong ng hashtag na #FilipinoKaKapag at i-mention mo na din ang @FilipinoKaKapag na username. Maraming salamat mga katoto!

Thursday, September 13, 2012

OPM: Buhayin ang Musikang Pilipino. Goodluck na lang!

Wala na bang bagong tunog diyan?

Maaaring nasabi ko na sa aking unang article na may titulong "Ang OPM at Kung Bakit Mahina ito Ngayon" ang mga sasabihin ko sa article na ito. Ngunit gusto ko lang tuligsain itong mga nakikita kong komersyal sa telebisyon. Itong tinatawag na Tanduay Rock Fest o ano pa man. Parang sinasabi ng komersyal na ito na muli nilang bubuhayin ang musikong Pilipino. Sa tuwing maririnig ko ito, natatawa na lang ako dahil halos imposible o mahirap na mangyari yoon. Bakit ko nasabi? Dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Walang Pagbabago
Pansinin ninyo ang mga sikat na kanta noong 1990's. Diba ito yung panahon ng Eraserheads? Ito yung panahon kung saan dinomina ng mga banda ang OPM at kung saan ang uso din sa ibang bansa ay ang mga banda/boyband. Ngayon, pansinin niyo naman kung anong mga uri ng musika ang patuloy na ginagawa ng mga musikerong Pilipino. Pagkatapos ay ikumpara niyo ito sa musika na ginagawa ng mga dayuhan. Napakalaki ng pagkakaiba diba?

Ang punto ko dito e sawa na ang karamihan ng mga Pilipino sa tunog ng gitara. Sawa na sila sa mga  4/4 beat. Pero heto padin ang mga musikerong Pilipino, patuloy na ipinipilit ang mga musikang ito sa atin kahit isinusuka na ito ng karamihan. Sa panahon ngayon, ang tanging nakikita ko lang na pag-asa ng OPM ay ang mga sumusunod:


  • Up Dharma Down- Magaling na banda. Malinis tumugtog at ang mga musikang nililikha nila ay talagang kakaiba kesa sa mga pangkaraniwang banda.
  • SomeDayDream - Makabago ang kanyang genre. Bigyan nating ang batang ito ng ilang taon para mapaghusayan ang kanyang genre at sa tingin ko ay siya ang magdadala ng musikang Pilipino.
  • Urbandub - Sa aking opinyon ay sila ang numero uno sa mga rock bands ngayon. Dahil ang style nila ay progressive at mahusay. Hindi katulad ng iba na basta na lang gumagawa ng kanta at sisimulan ito ng "oh oh oh oh, oh oh oh oh". Parang kantang hindi pinag-isipan.
  • Tanya Markova - Nakakainis isipin na hindi nakikita ng mga tao ang talento ng bandang ito. Kakaiba ang kanilang genre, energetic at higit sa lahat masaya ang tono ng kanilang mga kanta.
  • Franco - Sayang dahil sila ay nagdisband na. Ako'y talagang humanga sa bandang ito dahil sa kanilang all-star cast.
Conspiracy Theory
Ito ay sa palagay ko lang naman. Hindi ko lubos maisip kung bakit hanggang ngayon ay ang mga numero uno padin sa mga hit charts ay kabaduyan. Siguro dahil talagang baduy ang mga Pilipino o di kaya naman ay kontrolado ng mga nagpapatakbo ng mga hit charts ang mga kanta at hindi naman talaga nila tina-tally ang boto ng mga tao.

PaVirgin
Pagpasensiyahan niyo ang termino na ginamit ko ngunit wala akong maisip na ibang salita para mai-describe ang mga sumusunod

'Yan ang masasabi ko sa OPM. Dahil ang musika sa buong mundo ay nagbago na. Mas agresibo na ang mga salita sa kanta, makabago na ang mga tunog at higit sa lahat, malulupit ang mga ito. E ang OPM ba? Ganun padin, konserbatibo, lousy at nakakasawa. Minsan tuloy parang gusto kong sisihin si Mr. Ryan Cayabyab. Dahil kapag titingnan mo ay parang siya ang leader ng OPM movement. Meron siyang mga patimpalak na magpapasikat sa mga magagaling na artist. Ang problema lang ay ang mga nananalo sa mga patimpalak na ito ay pare-parehas ang tunog ng musika sa iba pang musikero kaya hindi sila nagii-standout. Pero hindi ko naman talaga pwedeng sisihin si Mr. C dahil wala naman akong pruweba na siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Bias na Audience
Bago kayo umalma, sagutin niyo muna kung bakit nanalo sina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy? Kasi mahirap sila at kailangan nila ng tulong. Oo talentado sila ngunit nasaan na sila ngayon? Ang huling narinig ko ay si Jovit na kumakanta ng theme song na nakakairita sa tenga. Ang punto ko e, dahil sa kanilang kahirapan sa buhay ay nanalo sila ngunit sa totoo ang genre nila ay hindi naman talaga papatok sa madla. Kaya parang walang kwenta din ang mga patimpalak na ito dahil hindi naman talaga sumisikat ang mga nananalo. 

Pumupusta ako na kung marami ang networks dito sa Pilipinas ay hindi nakilala ang mga yan dahil mas madami ang competition. Sumikat sila dahil monopolized lang ng tatlong malalaking networks ang Pilipinas. Masakit tangappin pero totoo.

Bilang pagtatapos, ako ay nagsasaad lamang ng aking opinyon kung ano ang tingin ko sa OPM. Dahil sa palagay ko maraming tao na ang walang pakialam dito. Ako mismo ay halos hindi na nakikinig ng OPM ngunit ako ay may pakialam dahil dati akong nakinig ng OPM at ako ay Pilipino kaya't gusto ko rin namang makasabay ito sa musika ng mundo ngayon.

Ngunit kung patuloy na ganyan ang mangyayari, kung saan patuloy na ipipilit ng mga musikerong Pilipino ang mga nakakasawang tugtugin nila, e goodluck na lang sa inyo! At kung sakali man na mabuhay muli ang musikang Pilipino, edi congrats!

Monday, September 10, 2012

Gangnam Style, KPop na naman!

Kilala niyo ba kung sino itong nasa picture sa kaliwa? Kung hindi ay maaaring nalipasan ka na ng sibilisasyon. Ang nasa picture ay si "Psy". Isang Kpop artist na ngayon ay sobrang sikat sa Amerika. Bakit? Simple, dahil sa kantang "Gangnam Style". Marahil ay nagtataka ka kung bakit sisikat ang isang Koreano sa Amerika. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, panuorin mo ang music video ng kantang ito.Youtube - Gangnam Style.

Sa ngayon, ang music video na ito ay mayroon nang mahigit 130 milyon views. Kung hindi ka pa naman maiintriga ay ewan ko na kung anong uri ng utak ang meron ka.

Ngayon, dumako tayo sa aking opinyon kung bakit sumikat ng ganito ang isang kanta na hindi naman naiintindihan ng nakakarami (pwera na lang kung nakaka-intindi ka ng Koreano).


Humor
Kapag nabigyan mo ako ng iba pang music video kung saan makikita na sinisigawan ang pwet ng isang babae, ay bubuharin ko ang topic na ito. Ang larawang ito ay isa sa mga eksena sa naturang music video. Higit sa lahat, isa lang ito sa napakaraming eksenang puno ng katatawanan. Ayoko na mag-post pa ng mga pictures dahil baka matawag ako na "spoiler".



Makulay
Ng una kong mapanood ang music video nito, ako'y napaisip kung mayroon talagang lugar kung saan sobrang gaganda ng kagamitan at kapaligiran. Napakakukulay at napakalilinis. Kung ganto lamang ang sitwasyon sa tunay na buhay e siguradong napakasarap ng buhay. Ayon kay Psy, ang istorya ng kanta ay tungkol sa isang lalaki na sinasabi sa lahat na siya ay may "Gangnam Style" (ang Gangnam ay isa sa pinakamayamang distrito sa Korea). Ngunit sa totoo ay hindi naman at pinipilit niya lang ito. Dito sa Pilipinas, ang tawag sa mga ganoong tao ay "trying hard" o kaya naman ay "social climber".


Kakaibang Sayaw
May hamon ako sa inyo, mag-isip kayo ng ibang KPop artists na gagawa ng ganitong klaseng dance moves. Wala kayong maisip diba? Hindi ako nagtataka, dahil ang karamihan sa kanila ay papogi, paganda at pacute kaya hindi sila papayag na maging mukang tanga. Ngunit heto si Psy, handang isugal ang lahat kahit na magmukhang tanga pa siya. Ang resulta? World wide success! Marahil nagtataka ang ibang KPop artists ngayon dahil nagpakahirap sila para pumogi at gumanda ngunit sa huli ay isang chubby na Koreanong rapper pala ang unang makaka-break sa barrier ng  Hollywood.


Appeal sa mga Pilipinong Fans

Hindi porke naging world-wide phenomenon ang Gangnam Style ay mabenta ito sa lahat. Dito na lamang sa Pilipinas. Oo, viral din siya ngunit hindi kagaya sa ibang bansa kung saan halos lahat ng tao roon ay nagustuhan ang kantang ito.

Iba ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Na-obserbahan ko ito ng sumubaybay ako sa M.I.T. 20 ng MYX. Nagtaka ako kung bakit wala ang Gangnam Style sa listahan e sobrang sikat nito buong mundo. Nang makarating yung countdown sa top 5, napansin ko na mayroon mga KPop group na Super Junior at 2NE1. Doon pumasok sa isip ko na marahil "hate" ng ibang Pilipino si Psy at ang kanyang Gangnam Style. Bakit? Dahil nasapawan nito ang kanilang mga idol na Super Junior at 2NE1.

Isa pang rason ay dahil hindi prototypical na KPop artist si Psy. Hindi siya kagwapuhan at hindi din siya fit. Aminin na natin na tayong mga Pilipino ay gustong makakita ng magaganda't pogi, lalo na kung dayuhan ito. Wala akong galit sa mga ibang KPop artists, sa totoo lang dati ay nakikinig din ako ng Girls Generation dahil sobrang cute at sexy nila. Oo nga pala, sakit ko din ang pag-gusto sa mga dayuhang kagandahan. May fetish ako sa blondes e.

Ang balita ngayon ay si Psy ay nasa Amerika na at pumirma na ng kontrata sa manager ni Justin Bieber. Isa itong magandang senyales para kay Psy dahil ngayon, hindi niya na kailangang magpagod sa pagpo-produce ng kanyang mga kanta dahil ang production team na ang bahala doon. Mas makakapag-concentrate na siya sa pagsulat ng mga kwela at nakakatuwang ideya.