Wala na bang bagong tunog diyan? |
Maaaring nasabi ko na sa aking unang article na may titulong "Ang OPM at Kung Bakit Mahina ito Ngayon" ang mga sasabihin ko sa article na ito. Ngunit gusto ko lang tuligsain itong mga nakikita kong komersyal sa telebisyon. Itong tinatawag na Tanduay Rock Fest o ano pa man. Parang sinasabi ng komersyal na ito na muli nilang bubuhayin ang musikong Pilipino. Sa tuwing maririnig ko ito, natatawa na lang ako dahil halos imposible o mahirap na mangyari yoon. Bakit ko nasabi? Dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Walang Pagbabago
Pansinin ninyo ang mga sikat na kanta noong 1990's. Diba ito yung panahon ng Eraserheads? Ito yung panahon kung saan dinomina ng mga banda ang OPM at kung saan ang uso din sa ibang bansa ay ang mga banda/boyband. Ngayon, pansinin niyo naman kung anong mga uri ng musika ang patuloy na ginagawa ng mga musikerong Pilipino. Pagkatapos ay ikumpara niyo ito sa musika na ginagawa ng mga dayuhan. Napakalaki ng pagkakaiba diba?
Ang punto ko dito e sawa na ang karamihan ng mga Pilipino sa tunog ng gitara. Sawa na sila sa mga 4/4 beat. Pero heto padin ang mga musikerong Pilipino, patuloy na ipinipilit ang mga musikang ito sa atin kahit isinusuka na ito ng karamihan. Sa panahon ngayon, ang tanging nakikita ko lang na pag-asa ng OPM ay ang mga sumusunod:
- Up Dharma Down- Magaling na banda. Malinis tumugtog at ang mga musikang nililikha nila ay talagang kakaiba kesa sa mga pangkaraniwang banda.
- SomeDayDream - Makabago ang kanyang genre. Bigyan nating ang batang ito ng ilang taon para mapaghusayan ang kanyang genre at sa tingin ko ay siya ang magdadala ng musikang Pilipino.
- Urbandub - Sa aking opinyon ay sila ang numero uno sa mga rock bands ngayon. Dahil ang style nila ay progressive at mahusay. Hindi katulad ng iba na basta na lang gumagawa ng kanta at sisimulan ito ng "oh oh oh oh, oh oh oh oh". Parang kantang hindi pinag-isipan.
- Tanya Markova - Nakakainis isipin na hindi nakikita ng mga tao ang talento ng bandang ito. Kakaiba ang kanilang genre, energetic at higit sa lahat masaya ang tono ng kanilang mga kanta.
- Franco - Sayang dahil sila ay nagdisband na. Ako'y talagang humanga sa bandang ito dahil sa kanilang all-star cast.
Conspiracy Theory
Ito ay sa palagay ko lang naman. Hindi ko lubos maisip kung bakit hanggang ngayon ay ang mga numero uno padin sa mga hit charts ay kabaduyan. Siguro dahil talagang baduy ang mga Pilipino o di kaya naman ay kontrolado ng mga nagpapatakbo ng mga hit charts ang mga kanta at hindi naman talaga nila tina-tally ang boto ng mga tao.
PaVirgin
Pagpasensiyahan niyo ang termino na ginamit ko ngunit wala akong maisip na ibang salita para mai-describe ang mga sumusunod
'Yan ang masasabi ko sa OPM. Dahil ang musika sa buong mundo ay nagbago na. Mas agresibo na ang mga salita sa kanta, makabago na ang mga tunog at higit sa lahat, malulupit ang mga ito. E ang OPM ba? Ganun padin, konserbatibo, lousy at nakakasawa. Minsan tuloy parang gusto kong sisihin si Mr. Ryan Cayabyab. Dahil kapag titingnan mo ay parang siya ang leader ng OPM movement. Meron siyang mga patimpalak na magpapasikat sa mga magagaling na artist. Ang problema lang ay ang mga nananalo sa mga patimpalak na ito ay pare-parehas ang tunog ng musika sa iba pang musikero kaya hindi sila nagii-standout. Pero hindi ko naman talaga pwedeng sisihin si Mr. C dahil wala naman akong pruweba na siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Bias na Audience
Bago kayo umalma, sagutin niyo muna kung bakit nanalo sina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy? Kasi mahirap sila at kailangan nila ng tulong. Oo talentado sila ngunit nasaan na sila ngayon? Ang huling narinig ko ay si Jovit na kumakanta ng theme song na nakakairita sa tenga. Ang punto ko e, dahil sa kanilang kahirapan sa buhay ay nanalo sila ngunit sa totoo ang genre nila ay hindi naman talaga papatok sa madla. Kaya parang walang kwenta din ang mga patimpalak na ito dahil hindi naman talaga sumisikat ang mga nananalo.
Pumupusta ako na kung marami ang networks dito sa Pilipinas ay hindi nakilala ang mga yan dahil mas madami ang competition. Sumikat sila dahil monopolized lang ng tatlong malalaking networks ang Pilipinas. Masakit tangappin pero totoo.
Bilang pagtatapos, ako ay nagsasaad lamang ng aking opinyon kung ano ang tingin ko sa OPM. Dahil sa palagay ko maraming tao na ang walang pakialam dito. Ako mismo ay halos hindi na nakikinig ng OPM ngunit ako ay may pakialam dahil dati akong nakinig ng OPM at ako ay Pilipino kaya't gusto ko rin namang makasabay ito sa musika ng mundo ngayon.
Ngunit kung patuloy na ganyan ang mangyayari, kung saan patuloy na ipipilit ng mga musikerong Pilipino ang mga nakakasawang tugtugin nila, e goodluck na lang sa inyo! At kung sakali man na mabuhay muli ang musikang Pilipino, edi congrats!
No comments:
Post a Comment