Sa ngayon, ang music video na ito ay mayroon nang mahigit 130 milyon views. Kung hindi ka pa naman maiintriga ay ewan ko na kung anong uri ng utak ang meron ka.
Ngayon, dumako tayo sa aking opinyon kung bakit sumikat ng ganito ang isang kanta na hindi naman naiintindihan ng nakakarami (pwera na lang kung nakaka-intindi ka ng Koreano).
Humor
Kapag nabigyan mo ako ng iba pang music video kung saan makikita na sinisigawan ang pwet ng isang babae, ay bubuharin ko ang topic na ito. Ang larawang ito ay isa sa mga eksena sa naturang music video. Higit sa lahat, isa lang ito sa napakaraming eksenang puno ng katatawanan. Ayoko na mag-post pa ng mga pictures dahil baka matawag ako na "spoiler".
Makulay
Ng una kong mapanood ang music video nito, ako'y napaisip kung mayroon talagang lugar kung saan sobrang gaganda ng kagamitan at kapaligiran. Napakakukulay at napakalilinis. Kung ganto lamang ang sitwasyon sa tunay na buhay e siguradong napakasarap ng buhay. Ayon kay Psy, ang istorya ng kanta ay tungkol sa isang lalaki na sinasabi sa lahat na siya ay may "Gangnam Style" (ang Gangnam ay isa sa pinakamayamang distrito sa Korea). Ngunit sa totoo ay hindi naman at pinipilit niya lang ito. Dito sa Pilipinas, ang tawag sa mga ganoong tao ay "trying hard" o kaya naman ay "social climber".
Kakaibang Sayaw
May hamon ako sa inyo, mag-isip kayo ng ibang KPop artists na gagawa ng ganitong klaseng dance moves. Wala kayong maisip diba? Hindi ako nagtataka, dahil ang karamihan sa kanila ay papogi, paganda at pacute kaya hindi sila papayag na maging mukang tanga. Ngunit heto si Psy, handang isugal ang lahat kahit na magmukhang tanga pa siya. Ang resulta? World wide success! Marahil nagtataka ang ibang KPop artists ngayon dahil nagpakahirap sila para pumogi at gumanda ngunit sa huli ay isang chubby na Koreanong rapper pala ang unang makaka-break sa barrier ng Hollywood.
Appeal sa mga Pilipinong Fans
Hindi porke naging world-wide phenomenon ang Gangnam Style ay mabenta ito sa lahat. Dito na lamang sa Pilipinas. Oo, viral din siya ngunit hindi kagaya sa ibang bansa kung saan halos lahat ng tao roon ay nagustuhan ang kantang ito.
Iba ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Na-obserbahan ko ito ng sumubaybay ako sa M.I.T. 20 ng MYX. Nagtaka ako kung bakit wala ang Gangnam Style sa listahan e sobrang sikat nito buong mundo. Nang makarating yung countdown sa top 5, napansin ko na mayroon mga KPop group na Super Junior at 2NE1. Doon pumasok sa isip ko na marahil "hate" ng ibang Pilipino si Psy at ang kanyang Gangnam Style. Bakit? Dahil nasapawan nito ang kanilang mga idol na Super Junior at 2NE1.
Isa pang rason ay dahil hindi prototypical na KPop artist si Psy. Hindi siya kagwapuhan at hindi din siya fit. Aminin na natin na tayong mga Pilipino ay gustong makakita ng magaganda't pogi, lalo na kung dayuhan ito. Wala akong galit sa mga ibang KPop artists, sa totoo lang dati ay nakikinig din ako ng Girls Generation dahil sobrang cute at sexy nila. Oo nga pala, sakit ko din ang pag-gusto sa mga dayuhang kagandahan. May fetish ako sa blondes e.
Ang balita ngayon ay si Psy ay nasa Amerika na at pumirma na ng kontrata sa manager ni Justin Bieber. Isa itong magandang senyales para kay Psy dahil ngayon, hindi niya na kailangang magpagod sa pagpo-produce ng kanyang mga kanta dahil ang production team na ang bahala doon. Mas makakapag-concentrate na siya sa pagsulat ng mga kwela at nakakatuwang ideya.
No comments:
Post a Comment