Ito'y isang video ng lalaki na nagsasabi na hindi bagay ang slogan na "It's More Fun in the Philippines" Para sa Pilipinas. At mayroon siyang mga dahilan kung bakit. Hindi ko na iisa-isahin ang mga ito. Panuorin niyo na lang ang video at magkomento kung gusto niyo. Sang-ayon ba kayo o hindi?
Thursday, May 31, 2012
Tuesday, May 29, 2012
ChurpChurp: Earn money in a simple way
Churp Churp
I've just discovered this website that offers money. All you nned to do is to go to thi website, sign up and share a bunch of stuff through your social media. Pretty much like this what Im doing right now. So what are you waiting for? Click on the link now!
Ang OPM at Kung Bakit Mahina Ito Ngayon
Sa panahon ngayon, masasabi na ang industriya ng musika sa Pilipinas ay naghihina. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Hindi ko na ito papahabain, didiretsuhin na natin amg mga bagay kung bakit nararanasan ng OPM ito ngayon.
Noong 90's ang uso a mga banda, umuso sa buong mundo ang mga bandang tulad ng oasis, matchbox 20 atbp. banda na kinagiliwan ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Kung kaya't nauso din sa Pilipinas ang mga banda tulad ng Eraserheads, Parokyna ni Edgar atbp. Sa tignin ng mga Filipino, ang mga bandang ito ay ang sariling bersyon ng Pilipinas ng mga bandang oasis, matchbox 20 atbp.
Dumako tayo sa panahon ngayon, ano na ang uso sa mundo? Karamihan sa sumisikat ngayon ay dance, techno, rnb music. Pinangungunahan ito nila Katy Perry, Lady Gaga atbp.
Ngunit, tingnan natin kung anong musika ang nililikha ng mga musikerong Pilipino ngayon. Katulad padin noong musika noong 90's. Masasabi na sa mahigit 20 taon ay naging 'stagnant' ang musikong Pilipino. Puro banda, ballad at novelty songs ang mga musikang sumisikat dito sa Pilipinas.
Ang tanging mga musikero lang na nakakasabay sa ebolusyon na ito ay kakaunti. Isa na dito si SomeDayDream. Mayroon pang ibang kaparehas ng genre ni SomeDayDream ngunit hindi ito nabibigyan ng pansin.
Ilan lang sa mga musikerong Filipino ang sumusubok magsulat ng mga kantang hindi tungkol sa Pag-ibig. Isa na dito si Gloc9.
Bilang konklusyon, kailangang makasabay ng OPM sa ebolusyong nangyayari sa musika. Dahil kung hindi ito mangyayari, kung hindi gagamit ang mga musikerong Pilipino ng makabagong teknolohiya para gumawa ng musika ay walang mangyayari sa OPM. Patuloy lang ito na magiging stagnant.
Marami man ang magsabi na ang pagamit ng teknolohiya tulad ng auto tune ay kahihiyan sa pagawa ng musika, ang auto tune ay narito at mananatili dahil ito ang gusto ng tao.
Hindi maiiwasan na may magalit kapag nabasa nila ang article na ito. Ngunit binoboses ko lamang ang aking opinyon at kung ano sa tingin ko ang nangyayari sa OPM.
Friday, May 25, 2012
Ang Fishball atbp Street Foods na paborito ng mga Pilipino
Sa paglipas ng panahon, ang mga bagay ay nagbabago. Kung may mawala man ay papaltan ito ng bago. Ngunit sa higit na 20 taon na pagiging Filipino, masaabi kong ang fishball ay isa sa mga bagay na hindi nagbago.
Bata pa lang ako ay paborito ko na ang fishball. Araw-araw, lalabas ako ng bahay at tatawid sa may eskwelahan kung saan may nagtitinda ng paborito konng fishball. Simula noon hanggang ngayon, ang fishball ay nagkakahalaga lamang ng Php 0.50, nagmahal na ang lahat ng bilihin sa merkado ngunit ang fishball ay nananatili pading mura at masarap.
Bukod sa fishball, marami pang ibang street foods ang pwedeng mabili. Nariyan ang kikiam, kwek-kwek, ang squidballs, bato-bato, isaw at marami pang iba. Maraming mga dahilan kaya patok ang mga street foods na ito sa ating mga Filipino. Unang-una, mura ito. Sa halagang 5 piso, may 10 fishball ka na. O kaya naman ay 5 kikiam, o 2 squidball.
Pangalawa ay hindi mo na kailangan pumila ng matagal para makakain. Sa bawat kalye ay may kariton ng street food. Kumuha ka lang ng stick, tuhugin ang mga paborito mong street food, isawsaw sa paborito mong sawsawan, magbayad kay manong at pwede ka nang kumain at magpakabusog.
Ngunit bilang babala, hayaan niyo na sabihin ko na kahit na masarap at mura ang mga paborito nyiong street food, minsan ay hindi tayo makakasiguro sa kalidad nito. Dahil ang mga ito ay tinitinda sa mga kalsada at mga kalye kung kaya't ang mga ito ay hindi ligtas sa polusyon. Kaya kung hindi matibay ang sikmura mo, ay magpakasiguro ka na lamang at huwag ng kumain ng mga street foods kahit gaano pa man kasarap ang mga ito.
Labels:
bato bato,
filipino,
filipinong totoo,
fish ball,
isaw,
kikiam,
kwek-kwek,
pilipino,
squid ball,
street food,
tuhog
Thursday, May 24, 2012
Si Jessica Sanchez at ang Pagkilatis sa kanyang Pagkatalo
Hindi maikakaila na si Jessica Sanchez ay isang matinding talento na binagyo ang entablado ng palabas na "American Idol". Ngunit kahit ang talento ni Jessica ay halos hindi kapani-paniwala para sa kanyang edad ay natalo padin ito sa Grand Finale ng "American Idol". Marahil maraming Filipino ang nagtataka kung bakit natalo ang pambato ng bayan dahil unang una, kitang-kita na mas magaling si Jessica kesa sa kanyang kalaban na si Philip. Pangalawa, sa 3 kanta na kinanta ni Jessica, 2 ang napiling panalo ng mga hurado kung kaya't 1 na lamang ang natira kay Philip. Kung iisipin, panalong-panalo na dapat ang ating pambato. Ngunit ano ang dahilan kung bakit natalo si Jessica?
Maraming pwedeng sabihing dahilan kung bakit natalo si Jessica Sanchez. Ngunit kung titinang mabuti, ang titulo ng programa ay "American Idol". Sa unang bigkas o tingin parang wala lang ito. Ngunit kung susuriing mabuti, malaking bagay ang nagagawa ng titulo ng programa sa resultang nangyari. Unang una, ang programa ay nakabase sa Amerika kung kaya't karamihan ng maaaring bumoto ay Amerikano.
Sa kalagitnaan pa lamang ng kompetisyon ay kitang-kita na ang epekto nito sa programa. Muntik nang maalis si Jessica sa kompetisyon dahil sa kakulangan sa boto. Sadyang mapalad si Jessica dahil ginamit ng mga hurado ang natatanging "Save" na pwede lang gawin isang beses kada season. Noong panahon pa lang iyon ay nakita na ng mga Amerikano na si Jessica ay isang 'threat' para sa kanila. Para sa mga Amerikano, ang isang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez ay hindi dapat manalo dahil hindi naman ito totoong "Amerikano".
Kahit pa sabihing buong mundo ang pagboto, at maraming Pilipino ang boboto, marami rin ang mga tinatawag na "fangirls" sa buong mundo. Panigurado ang mga fangirls na ito ang nagpaangat sa boto ni Philip.
Ang huling bagay na ikinatalo ni Jessica ay dahil ang 'genre' ng kanyang kanta ay wala sa uso ngayon samantalang ang kay Philip naman ay masasabing tradisyonal na sa Amerika.
Ngunit sa huli, para sa ating mga Pilipino, si Jessica padin ang panalo, si Jessica padin ang idol. Siya ang ating 'Pinoy Idol'.
Gawin Mong Filipino!
Gawang Filipino o Hindi? |
Saan lupalop ka makakakita ng ganitong bagay? Kung saan si Batman at ang isang Avatar ay parte na ng grupo na tinatawag na "The Avengers"? Si Spider Man, sa ngayon ay hindi pa din parte ng grupo kaya ang sando na ito ay nagbibigay sakin ng halong katatawanan at kalungkutan. Dahil ang mga sandong ganito ay makikita mo sa Pilipinas. Hindi ako sigurado kung dito lang sa Pilipinas may ganito ngunit nakakasigurado ako na may mga Pilipinong kinukonsinte ang ganitong ideya. Hindi sa pagmamasama sa aking sariling lahi ngunit hindi ito tama. Isipin niyo na lang kapag isinuot ng isang bata ang ganitong sando, pagtatawanan siya ng kanyang mga kalaro dahil wala naman si Batman at ang isang Avatar sa "The Avengers".
Kung ganito ang mangyayari sa mga sando, maaring balang araw magkaroon na ng pelikulang tinatawag na "The Bavetar". Ganoon ka-corny ang sandong iyon.
Monday, May 21, 2012
Nakakatuwa talaga balikan ang kabataan. Ang listahan sa taas ay ilan lamang sa mga bagay na ginagawa ng batang Filipino. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, napakadaming kabalbalan ang ginawa ko. Kayo ba? Kung may naisip pa kayong iba, ikomento niyo na!
Ang Jeepney atbp. pinakasikat na pampublikong sasakyan sa Pilipinas
Sa hirap ng buhay ngayon dito sa Pilipinas, ang mga pampublikong sasakyan (PUV o Public Utility Vehicles) ay hindi na mawawala sa mga mamamayang Filipino. Ang ilan sa mga pampublikong sasakyan na ito ay may mga negatibong epekto sa buhay ng tao lalo na sa kalusugan. Ngunit patuloy padin na sumasakay ang mga mamamayang Pilipino sa mga sasakyang ito. Bago ko sabihin ang mga dahilan kung bakit patuloy na sumasakay ang mga Pilipino sa mga pampublikong sasakyang ito ay ibabahagi ko muna ang iba pang pampublikong sasakyan sa Pilipinas.
1. Pedicab
Magsimula tayo sa pinaka-maliit. Ang pedicab o "padyak" ay isang uri ng pampublikong sasakyan kung saan ang bisikleta ay nilagyan ng tinatawag na sidecar sa ingles. Ang mga sidecar na ito ay nilagyan naman ng mga trapal na bubong upang maprotektahan ang pasahero sa ulan. Ang karamihan sa mga pedicab ay makikita sa Maynila. Para makasakay sa isang pedicab ay kailangang makipag-negosasyon muna ang sasakay sa drayber ng pedicab. Ang halaga ng pagsakay sa pedicab ay dumedepende kung ilan ang sasakay at kung gaano kabigat ang mga dala-dalahan nito. Makakasakay ang isang tao sa pedicab sa halangang PHP50.
2. Tricycle
Ang tricycle ay halos kaparehas lamang ng pedicab. Ang tanging pagkaka-iba lang nito sa pedicab ay ang gamit nito para umandar ay hindi bisikleta kundi motor na napapaandar ng gasolina. Ang ideya ng tricycle ay nagmula pa noon sa panahon ng giyera. Makakamura ang isang tao sa pagsakay sa tricycle kaysa sa pedicab. Makakasakay ang isang tao sa tricycle sa halagang PHP10 lamang. Ang mga tricycle na ito ay makikita kung saan man may mga bayan at maliliit na siyudad.
3. Jeepney
Ang jeepney ay isang produkto din ng giyera. Ginagamit ito ng mga hukbo para sa transportasyong pang-lupa ng kanilang mga sundalo. Sa panahon ngayon, ang mga jeepney ay makikita sa lahat ng sulok ng bansa (pwera na lamang kung ikay ay nasa Visayas kung saan mas madami ang tubig kaysa sa lupa). Masasabing ang jeepney ang pinakasikat na pampublikong sasakyan sa bansa. Makakasakay ang isang tao sa jeep sa halagang PHP8 (Minimum Fare).
Ngunit
Totoo na ang mga sasakyang ito lalo na ang mga tricycle at pedicab, ay importante sa buhay ng mga mamamayang Pilipino. Halimbawa, kung malapit lang naman ang pupuntahan ng isang tao, maari na lang siyang mag-tricycle at hindi na gamitin ang kanyang kotse. Ngunit, katulad ng sinabi ko sa aking unang talata, mayroong mga negatibong epekto ang mga sasakyang ito.
Unang-una ito ay maaaring makapag-palaganap ng katamaran. Dahil imbis na maglakad ang isang tao ay magta-tricycle na lamang ito. Ang hindi alam ng nakararami ay ang paglalakad ay mabisang uri ng ehersisyo.
Ikalawa, ang mga pampublikong sasakyang ito ay bukas. Walang pinto o anumang bagay na pangharang. Kung kaya't maaaring malanghap ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan ang iba't ibang klase ng polusyon sa mga kalsada.
Konklusyon
Maraming mga negatibong epekto sa buhay ng tao ang mga tinaguriang "pinakasikat" na mga pampublikong sasakyan sa Pilipinas. Ngunit walang magawa ang mga mamamayang Pilipino kundi sumakay dahil sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng paraan ay gagawin ng isang Filipino para lamang makatipid.
Introduksyon
Filipino ka ba?
Paano mo masasabi na ikaw ay isang Totoong Filipino?
Filipino ka ba dahil ang iyong unang wika ay Tagalog?
Filipino ka ba dahil ang kulay ng iyong balat ay kayumanggi?
Filipino ka ba dahil magaling kang makitungo sa iba?
Maraming dahilan para tawagin ang isang tao na Filipino.
Sa panahon ngayon sa Pilipinas, madaming mga bagay ang kapuna-puna. Ang blog na ito ay ginawa para magbigay katuwaan lamang. Ang mga bagay na mga nakapaskil at ipapaskil dito ay mga opinyon lamang ng isang tao. Kayo na ang bahala kung paano niyo tatanggapin ang mga bagay na nandito.
Subscribe to:
Posts (Atom)