Tuesday, May 29, 2012

Ang OPM at Kung Bakit Mahina Ito Ngayon


Sa panahon ngayon, masasabi na ang industriya ng musika sa Pilipinas ay naghihina. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Hindi ko na ito papahabain, didiretsuhin na natin amg mga bagay kung bakit nararanasan ng OPM ito ngayon. 

Noong 90's ang uso a mga banda, umuso sa buong mundo ang mga bandang tulad ng oasis, matchbox 20 atbp. banda na kinagiliwan ng halos lahat ng tao sa buong mundo. Kung kaya't nauso din sa Pilipinas ang mga banda tulad ng Eraserheads, Parokyna ni Edgar atbp. Sa tignin ng mga Filipino, ang mga bandang ito ay ang sariling bersyon ng Pilipinas ng mga bandang oasis, matchbox 20 atbp. 

Dumako tayo sa panahon ngayon, ano na ang uso sa mundo? Karamihan sa sumisikat ngayon ay dance, techno, rnb music. Pinangungunahan ito nila Katy Perry, Lady Gaga atbp. 

Ngunit, tingnan natin kung anong musika ang nililikha ng mga musikerong Pilipino ngayon. Katulad padin noong musika noong 90's. Masasabi na sa mahigit 20 taon ay naging 'stagnant' ang musikong Pilipino. Puro banda, ballad at novelty songs ang mga musikang sumisikat dito sa Pilipinas. Ang tanging mga musikero lang na nakakasabay sa ebolusyon na ito ay kakaunti. Isa na dito si SomeDayDream. Mayroon pang ibang kaparehas ng genre ni SomeDayDream ngunit hindi ito nabibigyan ng pansin. 


Tingnan na lang natin ang Korea, dati ay hindi naman malakas ang industriya nila pagdating sa musika. Ngunit ngayon, nakakasabay na sila at mas tinatangkilik pa ng mga Filipino ang mga kanta nila. Isang dahilan ay dahil ang tunog ng tinatawag na kpop ay makabago at nasa uso. Ito ang gustong marinig ng mga tao, bago at magandang pakinggan at nakakaindak. Kahit na hindi naiintindihan ang liriko sa mga kantang ito ay tuloy tuloy padin ang pagsikat ng mga kpop groups. Kaya kapag kinumpara ang OPM sa kpop, halos walang dating ang OPM. Ito ay dahil sa paulit ulit na tema ng mga kanta.

Ilan lang sa mga musikerong Filipino ang sumusubok magsulat ng mga kantang hindi tungkol sa Pag-ibig. Isa na dito si Gloc9. 

Bilang konklusyon, kailangang makasabay ng OPM sa ebolusyong nangyayari sa musika. Dahil kung hindi ito mangyayari, kung hindi gagamit ang mga musikerong Pilipino ng makabagong teknolohiya para gumawa ng musika ay walang mangyayari sa OPM. Patuloy lang ito na magiging stagnant. 

Marami man ang magsabi na ang pagamit ng teknolohiya tulad ng auto tune ay kahihiyan sa pagawa ng musika, ang auto tune ay narito at mananatili dahil ito ang gusto ng tao. Hindi maiiwasan na may magalit kapag nabasa nila ang article na ito. Ngunit binoboses ko lamang ang aking opinyon at kung ano sa tingin ko ang nangyayari sa OPM.

5 comments:

  1. true at ang style ng pinoy, puro revival at wagas na kabaduyang ng sunday variety shows ng gma 7 at abs cbn 2, idagdag mo pa diyan ang loveteam loveteam na walang kuwenta.

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat sa iyong komento aking katoto. Sana'y patuloy kang bumisita sa aking blog. Nawa'y magkaroon ka ng magandang araw!

    ReplyDelete
  3. gusto ko pa rin naman ng OPM e kaso ung mga datihan pa din pinapakinggan ko like yung eraserheads minsan ang baduy na ng mga kantang patungkol sa pag-ibig kaya switch kay GLOC-9.....di ako sanay na makringi ng electro pop na tagalog song kasi ewan ang awkward

    ReplyDelete
  4. Salamat sa iyong komento kaibigan. Napapansin ko nga ang ganyang trend. Sa tingin ko ay si Gloc 9 ay isa sa mga natitirang pag asa ng OPM.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede po bang malaman ang inyong pangalan upang macite sa aming thesis?
      Maraming salamat po

      Delete