Sa hirap ng buhay ngayon dito sa Pilipinas, ang mga pampublikong sasakyan (PUV o Public Utility Vehicles) ay hindi na mawawala sa mga mamamayang Filipino. Ang ilan sa mga pampublikong sasakyan na ito ay may mga negatibong epekto sa buhay ng tao lalo na sa kalusugan. Ngunit patuloy padin na sumasakay ang mga mamamayang Pilipino sa mga sasakyang ito. Bago ko sabihin ang mga dahilan kung bakit patuloy na sumasakay ang mga Pilipino sa mga pampublikong sasakyang ito ay ibabahagi ko muna ang iba pang pampublikong sasakyan sa Pilipinas.
1. Pedicab
Magsimula tayo sa pinaka-maliit. Ang pedicab o "padyak" ay isang uri ng pampublikong sasakyan kung saan ang bisikleta ay nilagyan ng tinatawag na sidecar sa ingles. Ang mga sidecar na ito ay nilagyan naman ng mga trapal na bubong upang maprotektahan ang pasahero sa ulan. Ang karamihan sa mga pedicab ay makikita sa Maynila. Para makasakay sa isang pedicab ay kailangang makipag-negosasyon muna ang sasakay sa drayber ng pedicab. Ang halaga ng pagsakay sa pedicab ay dumedepende kung ilan ang sasakay at kung gaano kabigat ang mga dala-dalahan nito. Makakasakay ang isang tao sa pedicab sa halangang PHP50.
2. Tricycle
Ang tricycle ay halos kaparehas lamang ng pedicab. Ang tanging pagkaka-iba lang nito sa pedicab ay ang gamit nito para umandar ay hindi bisikleta kundi motor na napapaandar ng gasolina. Ang ideya ng tricycle ay nagmula pa noon sa panahon ng giyera. Makakamura ang isang tao sa pagsakay sa tricycle kaysa sa pedicab. Makakasakay ang isang tao sa tricycle sa halagang PHP10 lamang. Ang mga tricycle na ito ay makikita kung saan man may mga bayan at maliliit na siyudad.
3. Jeepney
Ang jeepney ay isang produkto din ng giyera. Ginagamit ito ng mga hukbo para sa transportasyong pang-lupa ng kanilang mga sundalo. Sa panahon ngayon, ang mga jeepney ay makikita sa lahat ng sulok ng bansa (pwera na lamang kung ikay ay nasa Visayas kung saan mas madami ang tubig kaysa sa lupa). Masasabing ang jeepney ang pinakasikat na pampublikong sasakyan sa bansa. Makakasakay ang isang tao sa jeep sa halagang PHP8 (Minimum Fare).
Ngunit
Totoo na ang mga sasakyang ito lalo na ang mga tricycle at pedicab, ay importante sa buhay ng mga mamamayang Pilipino. Halimbawa, kung malapit lang naman ang pupuntahan ng isang tao, maari na lang siyang mag-tricycle at hindi na gamitin ang kanyang kotse. Ngunit, katulad ng sinabi ko sa aking unang talata, mayroong mga negatibong epekto ang mga sasakyang ito.
Unang-una ito ay maaaring makapag-palaganap ng katamaran. Dahil imbis na maglakad ang isang tao ay magta-tricycle na lamang ito. Ang hindi alam ng nakararami ay ang paglalakad ay mabisang uri ng ehersisyo.
Ikalawa, ang mga pampublikong sasakyang ito ay bukas. Walang pinto o anumang bagay na pangharang. Kung kaya't maaaring malanghap ng mga sumasakay sa mga pampublikong sasakyan ang iba't ibang klase ng polusyon sa mga kalsada.
Konklusyon
Maraming mga negatibong epekto sa buhay ng tao ang mga tinaguriang "pinakasikat" na mga pampublikong sasakyan sa Pilipinas. Ngunit walang magawa ang mga mamamayang Pilipino kundi sumakay dahil sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng paraan ay gagawin ng isang Filipino para lamang makatipid.
No comments:
Post a Comment